Kailan Tama at Kailan Mali ang Termination of Employment

Kelan masasabi na tama at legal  o mali at ilegal ang pagkakatanggal mo sa trabaho?

Marami sa ating mga Pinoy Employee ang nagtatanong at minsan ay nagrereklamo sa naging proseso sa pagkakatanggal sa kanya ng management ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Simple lang naman ang sinasabi ng batas kung kelan maaaring tanggalin ng isang employer ang kanyang empleyado. Ito ay ang dapat na mayroong tinatawag na just o authorized causes.

Sa madaling salita, kung natanggal ka sa trabaho at walang maipakitang alinman sa listahan ng mga just o authorized causes alinsunod sa batas, isa lang ang ibig sabihin nito—mali at ilegal ang pagkakatanggal sayo.

Ano ba ang ibig sabihin ng just o authorized causes?

Ang  just causes ay ang mga makatuwirang dahilan na na nagmula na rin sa pagkakamali o pagkukulang ng mismong empleyado, habang ang authorized causes ay ang mga pinahihintulutang dahilan na tanggalin sa trabaho ang isang empleyado dahil sa business reasons o dahil sa pangkalusugang kalagayan ng empleyado.

Ang Just Causes ayon sa  Article 297 [282] ng Labor Code ay ang mga sumusunod:

  • Maling pag-uugali o sinasadyang paglabag sa tamang pinag-uutos ng employer o ng kanyang duly authorized representative na may kinalaman sa trabaho
  • Matindi at paulit-ulit na paglabag sa mga tungkulin
  • Panloloko o sinasadyang pagsira ng empleyado sa tiwalang ibinigay ng employer o ng kanyang duly authorized representative
  • Paggawa ng krimen o  pagkakasala laban sa mismong katauhan ng employer o ng miyembro ng kanyang pamilya o ng kanyang duly authorised representative
  • Iba pang kapareho na pangyarari.

Ang Authorized Causes ayon sa Articles 298 [283] at 299 [284] ng Labor Code ay ang mga sumusunod:

  • Paglalagay ng labor-saving devices
  • Redundancy o ang pagkakaroon ng pare-pareho o iisang gawain ng magkakaibang empleyado
  • Retrenchment o ang pagbabawas ng tauhan upang makaiwas sa pagkalugi ng negosyo o kumpanya
  • Pagsasara o pagtigil ng operasyon
  • Pagkakasakit

Makatuwiran ba ang lumagda sa isang Termination Agreement?

Sa mata ng batas ng Pilipinas, pinapayagan ang tinatawag na termination agreements ngunit mahalagang malaman ng bawat Pinoy Employee na ang isang termination agreement ay nangangahulugan ng boluntaryo o kusang loob na pagre-resign sa trabaho.

Kaya naman, kahit walang nagbabawal sa employer at sa empleyado na magkasundo sa mga terms and conditions ng nasabing employee’s resignation, dapat siguruhin ng employer na ang kanilang kasunduan ay may patunay o ebidensiya na nilagdaan ito nang bukal sa kalooban ng magkabilang panig.   Ito ay sa kadahilanang, sa sandaling kwestyunin ng empleyado ang validity ng nasabing termination agreement sa harap ng labor court, ituturing ang kasunduan bilang isang forced resignation at, samakatuwid ay, constructive dismissal.

Kailan nagkakaroon ng Constructive Dismissal?

Nagkakaroon ng tinatawag na constructive dismissal sa pagkakataong nahinto sa paggawa ang isang empleyado at nagiging imposible, malabo o hindi na makatarungan ang tuloy-tuloy na trabaho dahil sa alok ng employer o ng management kaugnay ng demotion in rank o pagbabawas ng sweldo at iba pang benepisyo.

Sa sandaling malaman sa harap ng Labor Court na ang pagkakatanggal sa trabaho ay sa pamamagitan ng constructive dismissal, ang isang empleyado ay magkakaroon ng karapatan sa reinstatement, back wages at maging sa moral o exemplary damages.

Legal ba ang tinatawag na Releases and Quitclaims?

Kahit hinde kaaya-aya sa mata ng batas dahil ito’y isinasagawa ng mga empleyadong parang napilitan lamang sa paglagda, ang releases at quitclaims ay isa pa ding lehitimong waiver na kumakatwan sa boluntaryong pag-areglo at ito’y dapat bigyang respeto ng mga hukuman bilang isang tunay na kasunduan.

Alinsunod dito, ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang bagay na dapat napapaloob sa isang valid (release waiver and) quitclaim:

  • Walang halong panloloko o pandaraya (there was no fraud or deceit on the part of any of the parties)
  • Ang kabayarang iniaalok ay makatotohanan at makatuwiran (the consideration for the quitclaim is credible and reasonable)
  • Ang kasunduan ay hindi labag sa alinmang batas, pampublikong kaayusan at patakaran,  moralidad at tamang kaugalian (the contract is not contrary to law, public order, public policy, morals or good customs)
  • Ang kasuduan ay hindi makasasama sa karapatan ng ibang taong hinde sakop ng kontrata (the contact is not prejudicial to a third person with a right recognized by law)

Alamin ang batas, Pinoy Employee!

Published by Qairi

A perennial student in life, Qairi has been involved as a Legal Advocate in one of the top firms in the State of California. He has started publishing his works online with the intention of helping Filipino workers become aware of their rights, as well as their obligations, as employees.

2 thoughts on “Kailan Tama at Kailan Mali ang Termination of Employment

  1. Pano nmn po kung gumagawa ka ng maayos at inutusan ka ng pasigaw ng TL nio at nagalit ka Kaya ang Ginawa mo gusto mo sanang kausapin ang manager pero Ayaw ipakausap sau at ang ngyari galit na galit sau at canbihan wag ka ng ppasok,at ngaun po tanggal na ako sa work

    Liked by 1 person

  2. Kung tinanggal po kayo sa trabaho dapat nakatanggap po kayo ng dalawang notices. First notice o sulat is about the grounds bakit ka dapat tanggalin at dapat sa sulat ba yun eh binibigyan ka ng pagkakataon na magpaliwanag ng side mo. Second notice po ay mismong notice of termination. Kung wala po kayo natanggap na notice o, meron pero iisa, illegal dismissal po ang nangyari sa inyo kasi hinde sumunod sa procedural requirement na sinasabi ng batas. Pwede po kayo magreklamo sa DOLE/NLRC kung sakali.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: