Maximum Working Hours kada Araw/Linggo
Isinasaad sa Article 83 ng Labor Code na ang normal na oras ng paggawa ng isang Pinoy Employee ay dapat na hindi hihigit ng 8 oras. At ayon sa ordinaryong working week na anim na araw, ang empleyado ay mayroong maximum na 48 oras ng paggawa sa isang linggo.

Pagkatapos ng 6 na magkakasunod na araw ng trabaho, ang empleyado ay may karapatan sa rest period na hindi bababa sa 24 na magkakasunod na oras, alinsunod sa Article 91 ng Labor Code.
Meal periods
Hinde dapat bumaba sa 60 minuto ang time-off na nakatalaga para sa regular meals ang dapat ibigay ng employer alinsunod sa batas (Article 85, Labor Code).
Ngunit maaaring ibaba ng employer ang meal period nang hanggang 20-30 minutes. At sa ganitong pagkakataon, ang mas maiksing meal period ay magiging compensable hours na, o sa madaling salita ay may bayad na (Omnibus Rules Implementing the Labor Code).
Night shift differential
Ang bawat empleyado ay dapat tumanggap ng night shift differential na kabayaran na di-bababa sa 10 percent (10%) ng kanyang regular na sweldo para sa bawat oras na trinabaho sa pagitan ng ika-10 ng gabi hanggang sa ika-6 ng umaga (Article 86, Labor Code).
Undertime not offset by overtime
Hinde pwedeng magkaroon ng offset sa pagitan ng undertime work sa kahit anong araw ng trabaho at sa overtime work.
Gayun din naman, hindi exempted ang employer sa pagbabayad ng additional compensation na required ng batas kung nagbigay siya ng permiso na mag-leave ang empoleyado sa ibang araw (Article 88, Labor Code).
Flexible Work Arrangements
Sang-ayon naman sa DOLE Advisory bilang 02-2009 at 04-2010, ang pagsasagawa ng flexible work arrangements ay nararapat na suportado ng isang boluntaryong kasunduan sa pagitan ng employer at ng empleyado at temporary lamang.
Ang isang halimbawa ng flexible work arrangement ay ang tinatawag na compressed workweek (CWW). Sa isang CWW, ang normal na araw ng trabaho ay pinahahaba nang mas mahigit sa 8 oras at hindi hihigit ng 12 oras, nang walang katumbas na overtime premium.
At ang normal na working week naman ay mas pinaikli mula sa karaniwang bilang ng araw ng trabaho, habang pinapanatili ang kabuuang bilang ng oras ng paggawa sa isang linggo.
Iba pang uri ng flexible work arrangements:
- reduction of workdays
- rotation of workers
- forced leave
- broken time schedule
- flexi-holidays schedule
Overtime Rules and Regulations
Alinsunod sa Article 87 ng Labor Code, ang isang empleyado ay maaaring magtrabaho nang higit sa 8 oras kung ang overtime work ay may kaukulang bayad.
Kahit hinde pinapayagan ng batas na pilitin ang isang empleyado na magtrabaho ng overtime, kinikilala ng batas na may pagkakataong maaaring i-require ang empleyado na magtrabaho ng emergency overtime work (Article 89, Labor Code) kabilang na dito ang mga panahong kung saan ang urgent work ay kinakailangan patungkol sa machines, installations, o equipment, upang makaiwas sa serious loss or damage sa panig ng employer o kaya naman ay ang panahon kung saan kailangan ang trabaho para maiwasan ang anumang loss or damage to perishable goods.
Ang rate ng overtime pay ay depende sa araw kung kalian ginawa ang overtime work:
- para sa overtime work sa ordinary working day, ang employee ay may karapatan sa additional compensation na katulad ng kanyang regular wage na may karagdagang di-bababa sa 25% noon
- para naman sa overtime work sa scheduled rest day, special day at regular holiday, ang empleyado ay may karapatan sa additional compensation na katulad ng rate para sa unang 8 oras ng rest day, special day o regular holiday na may karagdagang di-bababa sa 30% noon
(Note: Memorandum Circular No 1, Series of 2004, issued by the DOLE, sets forth the rules to be followed for the payment of overtime premiums during a regular holiday, special day, or an employee’s rest day).
Alamin ang batas, Pinoy Employee!