EMERGENCY OVERTIME: Pwede bang Tanggihan?

Ang overtime work ay ang trabaho na isinagawa nang lampas o higit sa 8 oras sa loob ng isang araw na trabaho.

Alinsunod dito, maaaring i-require ng employer ang mga empleyado na mag-overtime alinman sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • Kung ang bansa ay nasa giyera
  • Kung may national o local emergency na idineklara ang kongreso o ang Presidente
  • Kung ito ay kinakailangan para maiwasan ang loss of life or property
  • Sa panahon ng imminent danger to public safety dahil sa isang aktuwal o napipintong emergency sa lokalidad bunsod ng serious accidents, sunog, pagbaha, bagyo, lindol, epidemya, o iba pang uri ng disaster at kalamidad
  • Kung mayroong urgent work na kailangang gawin patungkol sa machines, installations, o equipment upang maiwasan ang pagkalugi o damage sa employer o sa iba pang katulad na gawain
  • Kung ito ay kinakailangan para maiwasan ang pagkawala o pagkasira ng mga perishable goods
  • Kung ang patuloy na pagtatrabaho nang higit sa walong oras ay kailangan para maiwasan ang serious obstruction o perwisyo sa operasyon ng negosyo ng employer

Dagdag dito, kabilang sa listahan ang pagkakataon kung saan ang overtime work ay kinakailangan para makapagtrabaho sa panahong may mas favorable na weather or environmental conditions dahil ang performance o kalidad ng trabaho ay nakadepende dito (Omnibus Rules to Implement the Labor Code).

Mahalagang malaman na ang isang empleyado na required magtrabaho ng overtime work sa mga nabanggit na listahan ay dapat bayaran ng additional compensation alinsunod sa patakaran patungkol sa overtime pay.

At kung ang isang empleyado na required magbigay ng emergency overtime work ay tumanggi na magtrabaho, maaari siyang tanggalin sa trabaho base sa insubordination o willful disobedience (Opinion expressed by J.G. Chan, “Bar Reviewer on Labor Law,” 2017 Edition)

Alamin ang batas, Pinoy Employee!

Published by Qairi

A perennial student in life, Qairi has been involved as a Legal Advocate in one of the top firms in the State of California. He has started publishing his works online with the intention of helping Filipino workers become aware of their rights, as well as their obligations, as employees.

2 thoughts on “EMERGENCY OVERTIME: Pwede bang Tanggihan?

    1. Ayon sa Article 95 ng Labor Code, ang isang empleyado na nakapagserbisyo na ng di-bababa sa isang (1) taon ay may karapatan sa Service Incentive Leave (SIL) na limang (5) araw, at ito ay with pay. Ang SIL ay maaaring gamitin upang magbakasyon o para sa tinatawag na sick leave. Ang hinde nagamit na SIL ay pwedeng palitan ng katumbas na bayad sa katapusan ng taon.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: