Mahalagang malaman ng bawat Pinoy Employee ang alituntunin patungkol sa holiday pay upang maseguro niya na tama at naaayon sa batas ang tinatanggap niya sa serbisyong ibinibigay tuwing holiday.
Para matutunan ang tamang paraan ng pag-compute ng holiday pay, narito ang ilan sa mga panuntuanan patungkol dito.

Sino ang entitled sa Holiday Pay?
Sa kalakhan, ang lahat ng empleyado na nagtrabaho sa loob ng regular holiday ay may karapatang tumanggap ng holiday pay alinsunod sa batas. Subalit, may ilang uri ng empleyado na hindi kabilang sa holiday pay benefits na ito, kabilang dito ang mga:
- Mga nagtatrabaho sa retail at service businesses na may mas mababa sa 10 regular employees
- Managerial employees
- Managerial staff members at officers
- Government employees
- Kasambahay
- Mga empleyado na nagtatrabaho base sa task, contract, o purely commission basis
Ang mga empleyadong nasasakupan ng alintuntunin ng holiday pay ay dapat tumanggap ng at least 100% ng kanilang sweldo, magtrabaho man sila sa araw na iyon o hindi.

Regular Holiday Computation
Empleyado na hindi nagtrabaho | 100% ng sweldo para sa araw na iyon |
Empleyado na nagtrabaho | (Basic Wage x 200%) + (Cost of Living Allowance o COLA x 200%) |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime** | (Hourly Rate x 200%) + (260% x Number of OT Hours Worked) |
Empleyado na nagtrabaho sa holiday na natapat na rest day | (Basic Wage x 230%) + (COLA x 200%) |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime ng holiday na natapat na rest day** | (Hourly Rate x 230%) + (260% x Number of OT Hours Worked) |
Special Non-Working Holiday Computation
Empleyado na hindi nagtrabaho | No work, no pay (maliban na lang kung may ibang sinasabi ang CBA) |
Empleyado na nagtrabaho | (Basic Wage x 130%) + COLA |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime | (Hourly Rate x 130%) + (160% x Number of OT Hours Worked) |
Empleyado na nagtrabaho sa holiday na natapat na rest day | (Daily Rate x 150%) + COLA |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime ng holiday na natapat na rest day | (Hourly Rate x 150%) + (180% x Number of OT Hours Worked) |
Nitong nakaraang February 26, 2021, tatlong (3) special non-working holidays ang na-reclassify sa bagong kategorya na Special Working Holiday. Ito ay ang All Souls’ Day (November 2), Christmas Eve (December 24), at ang New Year’s Eve (December 31).
Special Working Holidays Computation
Empleyado na hindi nagtrabaho | No work, no pay |
Empleyado na nagtrabaho | (Basic Wage x 130%) + COLA |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime | (Hourly Rate x 130%) + (160% x Number of OT Hours Worked) |
Empleyado na nagtrabaho sa holiday na natapat na rest day | (Basic Wage x 150%) + COLA |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime ng holiday na natapat na rest day | (Hourly Rate x 150%) + (180% x Number of OT Hours Worked) |
Dapat tandaan na may pagkakataon na maaring sa loob isang araw ay matatapat ang dalawang holidays. Sa ganitong pagkakataon, mangyayari ang tinatawag na double holiday pay.
Double Holiday Pay***
Empleyado na hindi nagtrabaho | 200% |
Empleyado na nagtrabaho | Basic Wage x 300% |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime | + 390% x Number of OT Hours Worked |
Empleyado na nagtrabaho sa holiday na natapat na rest day | Basic Wage x 390% |
Empleyado na nagtrabaho sa overtime ng holiday na natapat na rest day | + 480% x Number of OT Hours Worked |
Ang mga larawan sa taas ang magiging basehan din ng computation kung ang trabaho ay ginawa sa loob ng night shift na kung saan ang night shift differential ay mag-aapply at pumatak ito sa holiday, double holiday at rest day.
Narito naman ang bagong listahan ng mga holidays sa ating bansa.
Regular Holidays
- New Year’s Day (January 1)
- Maundy Thursday (movable date)
- Good Friday (movable date)
- Araw ng Kagitingan (Monday nearest April 9)
- Labor day (May 1)
- Eid’l Fitr (movable date)
- Eidul Adha (movable date)
- Independence Day (June 12)
- National Heroes’ Day (Last Monday of August)
- Bonifacio Day (November 30)
- Christmas Day (December 25)
- Rizal Day (December 30)
Special Non-Working Holidays
- Chinese New Year (movable date)
- EDSA People Power Revolution Anniversary (February 25)
- Black Saturday (movable date)
- Ninoy Aquino Day (August 21)
- All Saints’ Day (November 1)
- Feast of the Immaculate Conception (December 8)
Special Working Holidays
- All Souls’ Day (November 2)
- Christmas Eve (December 24)
- Last day of the year (December 31)
Alamin ang Batas, Pinoy Employee!